Transparency Report

Transparency Report ng Google

Simula noong inilunsad ng Google ang unang Transparency Report noong 2010, nagbabahagi na kami ng data na nagbibigay-kaalaman sa kung paano nakakaapekto ang mga patakaran at pagkilos ng mga pamahalaan at korporasyon sa privacy, seguridad, at access sa impormasyon online.

Isang history ng transparency

Isang maikling buod ng mahahalagang kaganapan sa pinagmulan, paglago, at ebolusyon ng Transparency Report ng Google.

Mga kamakailang update

Ang mga pinakabagong balita, update at data mula sa Transparency Report ng Google.

Hun 2, 2022
May bagong URL ang pampolitikang pag-advertise sa Google dahil pinagsasama namin ang lahat ng aming pagsisikap sa transparency ng mga ad. May bago rin itong hitsura, pero pareho pa rin ang misyon nito. Nakatuon kami sa pagsuporta ng responsableng pampolitikang pag-advertise sa iba't ibang panig ng mundo.
Magbasa pa
Set 15, 2021
Nakatuon ang Google sa pag-promote ng transparency para sa mga business user ng aming mga platform. Bilang provider ng mga online na platform para sa mga serbisyo sa pamamagitan, ipa-publish namin ang ulat na ito bawat taon, alinsunod sa regulasyong Platform to Business (P2B) ng Europe, na nagkaroon ng bisa mula noong Hulyo 12, 2020.
Magbasa pa
Set 8, 2021
Nag-publish kami ng data at mga sample ng mga kapansin-pansing kahilingang mag-delist ng content sa mga resulta ng paghahanap na posibleng lumalabag sa aming patakaran sa Mga pekeng produkto na natanggap namin noong Mayo 31, 2020 hanggang Mayo 31, 2021 sa aming ulat na "Mga pag-delist ng content dahil sa pamemeke." Nagbibigay ang impormasyong ito ng data sa mga kahilingang ito at pangkalahatang impormasyon tungkol sa aming mga kasanayan at patakaran sa pag-aalis.
Magbasa pa
Hun 30, 2021
Nagpa-publish ang Google ng mga buwanang transparency report kaugnay ng mga reklamong natatanggap mula sa mga user sa India at mga pagkilos na isinasagawa sa lahat ng platform ng Google na inuuri bilang “Significant Social Media Intermediaries” (“mga SSMI”).
Magbasa pa
May 6, 2021
Na-update namin ang Ulat sa Seguridad ng Ecosystem sa Android para sa yugtong Enero - Marso 2021, at isinaayos ang ulat sa mga seksyong Kaligtasan ng Device at Kaligtasan sa Store. Nagbibigay ang ulat na ito ng transparency kaugnay ng mga pagsisikap naming bawasan ang rate ng mga Posibleng Mapaminsalang Application (Potentially Harmful Application o PHA) sa mga device at sa Google Play.
Magbasa pa
Abr 8, 2021
Na-publish namin ang data at mga sample ng mahahalagang kahilingan ng pamahalaan para mag-alis ng content na natanggap namin mula Hulyo hanggang Disyembre 2020 sa aming ulat na "Mga kahilingan ng pamahalaan na mag-alis ng content." Pinapalinaw ng impormasyong ito ang saklaw at sakop ng mga kahilingan ng pamahalaan para sa pag-alis ng online na content at ang epekto nito sa huling kalahati ng 2020.
Magbasa pa
Peb 24, 2021
Bilang bahagi ng aming pangakong panatilihing ligtas ang mga platform, inilunsad namin ang transparency report na Paglaban sa Online na Materyal na Nagpapakita ng Sekswal na Pang-aabuso sa Bata. Naglalaman ang ulat na ito ng data tungkol sa mga pagsusumikap ng Google at mga resource para malabanan ang CSAM sa aming mga platform at ang ginagawa naming pagkilos para matukoy, maalis, at maiulat ang mapang-abusong materyal na ito.
Magbasa pa