Mga kahilingang mag-alis ng content sa ilalim ng batas sa privacy ng Europe
Sa isang pasya noong Mayo 2014, napag-alaman ng Court of Justice ng European Union na
may karapatan ang mga indibidwal na hilingin sa mga search engine gaya ng Google na mag-alis ng ilang partikular
na resulta tungkol sa kanila. Nagbibigay ang ulat na ito ng data tungkol sa dami ng mga kahilingan,
mga inalis na URL, mga indibidwal na nagsusumite ng mga kahilingan, at content ng mga website
at URL na tinukoy sa mga kahilingan.
Pag-aalis ng mga URL sa Google Search para sa privacy
Sa isang
pasya noong Mayo 2014 ng Court of Justice ng European Union, napag-alaman ng Court
na may karapatan ang mga indibidwal na hilingin sa mga search engine gaya ng Google na mag-alis ng ilang partikular na resulta para sa
mga query batay sa pangalan ng isang tao. Dapat sumunod ang search engine kung ang mga pinapag-usapang link
ay “kulang, walang kaugnayan, o hindi na nauugnay, o labis,” nang isinasaalang-alang
ang mga salik na nakakaapekto sa pampublikong interes kasama ang tungkulin ng indibidwal sa pampublikong buhay. Inaalis lang ang mga page
sa mga resulta bilang tugon sa mga query kaugnay ng pangalan ng isang indibidwal. Nag-aalis kami ng mga URL
sa lahat ng resulta ng paghahanap sa Europe ng Google—mga resulta para sa mga user sa France, Germany, Spain, atbp.—at
gumagamit kami ng signal ng geolocation para paghigpitan ang access sa URL mula sa bansa ng humiling. Ipinapakita
ng chart sa ibaba ang kabuuang bilang ng mga kahilingang natanggap at ang kabuuang bilang ng mga URL na hiniling
na alisin simula noong Mayo 29, 2014.
Ipinapakita ng chart na ito ang porsyento at aktwal na bilang ng mga URL na naalis pagkatapos ng
pagsusuri. Ang data na ginamit upang buuin ang chart ay nagmula pa noong paglulunsad ng aming opisyal na proseso ng paghiling
noong Mayo 29, 2014. Ang mga kahilingan sa pag-aalis ng URL na nakabinbin pa rin ang pagsusuri, o
nangangailangan ng karagdagang impormasyon upang maiproseso, ay hindi kabilang sa chart na ito.
Pagsusuri sa mga kahilingan
Sinusuri namin ang bawat kahilingan depende sa sitwasyon. Sa ilang sitwasyon, puwedeng humingi kami ng higit pang impormasyon
sa indibidwal. Masusi kaming bumuo ng mga pamantayang naaayon sa
mga alintuntunin ng Article 29 Working Party.
Kapag naisumite na sa amin ang kahilingan sa pamamagitan ng aming webform, isinasailalim ito sa manual na pagsusuri. Kapag
nakapagpasya na kami, makakatanggap ang indibidwal ng email na nag-aabiso sa kanya tungkol sa aming desisyon
at, kung hindi namin ide-delist ang URL, isang maikling paliwanag tungkol dito. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming
proseso at kung paano magsumite ng kahilingan para mag-delist ng content, pakibisita ang
Pangkalahatang-ideya sa Karapatang Makalimutan (Right to be Forgotten o RtbF) .
Mga dahilan ng hindi namin pag-aalis
Kabilang sa ilang karaniwang mahalagang salik na sangkot sa mga pagpapasyang huwag mag-alis ng mga page ang
pagkakaroon ng mga alternatibong solusyon, teknikal na dahilan, o duplicate na URL. Maaari din naming
matukoy na naglalaman ang page ng impormasyong napakahalaga sa publiko.
Mahirap matukoy kung mahalaga sa publiko ang content at maaaring maraming
magkakaibang salik ang dapat isaalang-alang, kabilang ang—ngunit hindi limitado sa—kung nauugnay ang content sa
propesyonal na buhay ng humiling, nakaraang krimen, katungkulan sa pulitika, posisyon sa pampublikong buhay, o kung ang content
ay sariling akda, naglalaman ng mga dokumento ng pamahalaan, o may katangiang
pampamamahayag.
I-explore ang mga kahilingan
Ito ang mga halimbawa ng mga kahilingang natanggap namin mula sa mga indibidwal. Sa pag-a-assess sa bawat kahilingan,
dapat isaalang-alang ng Google ang mga karapatan ng indibidwal at ang interes ng publiko sa content. Inalis
namin ang anumang impormasyong nakakapagpakilala sa mga halimbawang ito upang maprotektahan ang pagkakakilanlan ng
indibidwal na naapektuhan ng content.
Nakatanggap kami ng kahilingan mula sa Awtoridad ng Proteksyon sa Data (Data Protection Authority o DPA) ng Austria sa ngalan ng isang indibidwal na mag-delist ng 12 URL na nagtatalakay sa pag-publish ng ipinagbabawal na nationalist na lyrics sa flyer ng imbitasyon para sa event ng isang fraternity. Humantong ang paggamit ng lyrics na ito sa mga legal na hakbang laban sa indibidwal, na iniurong sa katagalan.
Kinahinatnan
Sumang-ayon kaming alisin ang lahat ng 12 URL dahil mag-aaral ang indibidwal sa panahong iyon at wala siyang kinalaman sa anumang pampulitikang aktibidad.
Belgium
Kahilingan
Nakatanggap kami ng kahilingan mula sa isang indibidwal na mag-delist ng 4 na URL: 2 artikulo ng balita noong 2007 at 2 naka-archive na dokumento noong 1980s, kabilang ang isang hino-host sa isang website ng pamahalaan. Nagtatalakay ang mga URL ng mahahalagang kaganapan sa kasaysayan na nangyari sa isang bansa sa South America at kung saan naging sangkot ang indibidwal. Nakasaad sa kahilingan na nagdudulot ang mga URL ng panganib sa pisikal at sikolohikal na katatagan ng indibidwal at ng kanyang pamilya.
Kinahinatnan
Hindi namin na-delist ang alinman sa mga URL dahil sa katangiang pangkasaysayan ng mga kaganapan at pagkakasangkot ng humihiling.
Belgium
Kahilingan
Nakatanggap kami ng kahilingan mula sa isang social worker na mag-delist ng 5 artikulo ng balita sa ngalan ng isang indibidwal. Inihayag ng mga artikulo na napatunayang nagkasala ang indibidwal sa maraming kaso ng panggagahasa at sekswal na pang-aabuso laban sa isang miyembro ng pamilya at dalawa pang menor de edad na biktima; nasentensyahan siya ng 7 taong pagkakakulong noong 2006.
Kinahinatnan
Hindi namin na-delist ang 4 na URL na hiniling dahil sa kalubhaan ng krimen, sa sentensyang natanggap niya, at sa tagal ng panahong nagdaan simula nang matapos ang sentensya. Humiling kami sa indibidwal ng higit pang impormasyon kaugnay ng natitirang URL.
Bulgaria
Kahilingan
Nakatanggap kami ng kahilingan mula sa isang politiko na mag-delist ng 11 URL (mga artikulo ng balita at post sa blog na may petsang 2012). Nag-uulat ang mga URL tungkol sa di-umano'y ilegal na gawi sa propesyon ng indibidwal at may ilang sensitibong impormasyon ang mga ito tungkol sa kanyang sekswal na oryentasyon, na isinapubliko mismo ng indibdiwal sa isang libro.
Kinahinatnan
Hindi namin na-delist ang alinman sa 11 URL dahil sa kasalukuyang papel ng humihiling sa pampublikong katungkulan.
Croatia
Kahilingan
Nakatanggap kami ng kahilingan mula sa isang indibidawl na mag-delist ng 1 URL, isang artikulo ng balita na na-publish noong 2003. Ginawa ang kahilingan sa ngalan ng lahat ng miyembro ng isang pamilyang binanggit sa isang artikulo, na tumatalakay sa mga kundisyon ng pamumuhay ng pamilya.
Kinahinatnan
Na-delist namin ang URL para sa lahat ng hiniling na miyembro ng pamilya dahil sa kawalan ng interes ng publiko at sa tagal ng panahong lumipas mula noong panahon ng pag-publish.
Nagbibigay ang chart na ito ng detalye ng mga kategoryang ginagamit namin para magbigay ng kategorya sa mga humihiling kapag
nagsusuri kami ng mga kahilingang mag-alis ng mga URL. Simula noong Enero 2018, binuo ng 1% ng lahat ng humihiling
ang humigit-kumulang 20% (1.4M) ng kabuuang bilang ng mga URL na hiniling na alisin. Kumakatawan ang data sa
bilang ng mga kahilingang natanggap namin simula noong Enero 2016.
Ipinapakita ng chart na ito ang porsyento ng mga nasuri naming URL na aalisin ayon sa kategorya ng
site na natukoy sa kahilingan. Hindi kasama sa chart na ito ang mga kahilingan sa pag-aalis ng URL na nakabinbin pa rin ang pagsusuri o
nangangailangan pa ng karagdagang impormasyon upang maiproseso. Ang data na ito
ay mula pa noong Enero 2016.
Ipinapakita ng chart na ito ang porsyento ng mga sinuri naming URL na aalisin, na hinati-hati ayon sa
kategorya ng content sa hiniling na URL. Hindi kasama sa chart na ito ang mga kahilingan sa pag-aalis ng URL na nakabinbin
pa rin ang pagsusuri o nangangailangan pa ng karagdagang impormasyon upang maiproseso.
Ang data na ito ay mula pa noong Enero 2016.
I-explore kung paano naaapektuhan ng batas sa privacy ng Europe ang mga resulta ng Google Search
Simula Hulyo 2014, mayroon nang epekto ang batas sa privacy sa Europe sa available na impormasyon
para sa ilang partikular na query sa Google Search. Ipinapakita ng mga numero rito ang dami at ipinapaliwanag ang epektong
iyon.